“The truth is, everyone is going to hurt you. You just got to find the ones worth suffering for.” – Bob Marley

Advertisements

Yehey!

Yessssssssssssssssssssssss!

Salamat talaga! Ang lakas ko kay Lord.

Pasado ako sa lahat ng subject, ay may isa lang pang-gulo. May aayusin pa ‘ko dun pero pagkatapos nung, ok na. Yehey!

Nung una, kinakabahan talaga ‘ko pero nung nakita ‘ko na lahat. Muntik na ‘ko mapasigaw dito sa bahay, buti napigilan ‘ko. Haha! Worth it talaga.

At isa pang kinakatuwa ko ay, hindi ako aalis sa journalism dahil pasado ako sa dalawang major ko. Yesss. Yehey! Ang bait ng prof ko. Salamat talaga ka Sir Francia. Salamat talaga. Bukas, magpapasalamat ako sa kanya. May exam kasi ako sa school paper namin at siya ang adviser nun.

Grabe, nawala talaga lahat ng kaba ko. Ang ganda ng araw ko at isama na natin bukas. Haha! Maganda talaga. Sana walang makasira. Haha!

Lord, thank you, thank you so much dahil tinupad po ninyo yung hiling ko nung visita iglesia. salamat po talaga. ang saya saya ko po talaga. salamat po talaga. i love you po sagad, Lord! =) 

Goodnight po sa inyong lahat! Sweet dreams! =)

Ngayon lang nilabas sa portal yung grades namin pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin nakikita yung akin. Natatakot kasi ako e. Nagiipon pa rin ako ng lakas ng loob para puntahan yung site.

Hayyy. Kaya ko ‘to. Tiwala lang.

Lord, kayo na po ang bahala! Pleaase?

Dapat ngayon araw, magkikita – kita kami ng mga high school friends ko. Syempre, bakasyon. Ito ang perfect time para magkita – kita kami. May plano na kami, matagal na ‘yun. I think, last january lang o last year pa. Sa  EK. Classmate ko ang nag- aya, at kasama yung mga batchmates namin. Bale, Management at Economics. Yan ang section namin nung 4th year kami kaya tuwang – tuwa ako nung nakita ko ang event na ‘to sa facebook, kaya nag – go.  ”Tutal malayo pa naman yun.” sabi ko.

Dapat March 30, kaso nga, Black Saturday at sarado ang EK, kaya ginawang April 1.

Dumating ang March 31, wala na nag uupdate sa event, tsaka nagdadalawang isip din ako kasi may inaalala din ako that time. Dahil walang nagrereact sa event, hindi na natuloy.

Tapos nag padesisyunan, na magkita kita kami “Management”. So, nag set sila ng date at nagtanong kung sino ang pwede sa April 2. Yun. Nagreact ako, sabi ko, “Pwede ako sa April 2 pero magpapaalam pa ‘ko.” So yun. Nag try ako magpaalam kaso wala ako natanggap na reaction mula sa nanay ko. At nung April 1 na, naalala ko pala na may exam ako. At dahil dun, nag dalawang isip ako kung tutuloy pa ba ako, tapos nagtweet sa’kin yung isa kong hs friend ko about sa contact number ko, tapos binigay ko naman tapos nagtext pala siya sa’kin nung linggo at hindi daw ako nagrereact sa post. Nung linggo kasi, pyesta sa Bulihan, e, most of my hs friends dun nakatira kaya yun nayaya silang makipyesta sa kanila.  Para dun daw pag-usapan yung pagkikita – kita namin, kaso onti lang ang pumunta at yung pumunta na yun ay yun din ang pumunta last year. Nagsorry naman ako at sinabi ko na hindi ako makapag commit agad kasi nga may exam ako. Tapos yun, ok lang naman hindi makapunta basta magreact lang dun sa group.

Tsaka gusto din nila makita yung iba kaya sila nag-insist na magkita kita naman daw kami kasi pare-pareho nalang daw ang nakikita nila at sawang sawa na daw sila sa pagmumukha ng isa’t-isa. Haha!  At nagtatampo rin sila kasi sila na ang naginsist na magkita kita kami pero wala pa rin. Hay. Saklap talaga.

Kung pwede lang talaga ako. Hay. Gusto ko na ulit sila makita. Huhu!

Pero totoo naman e, hirap na talaga kami magkita – kita. Hindi swak sa schedule namin e. Kundi may exam, may pasok, at kung anung – ano pa. Hirap na rin kami makumpleto as Management. Laging kulang nalang. Nakakalungkot pero minsan, may kailangan talagang unahin. Lalo na ang pag-aaral. Pero minsan nakakamiss din yung mga taong nakasama mo sa loob na apat na taon, yung mga taong nagbigay na kulay sa high school life mo.

Kaya yung mga incoming 4th year dyan, lubusin ninyo ang panahon na magkakasama kayo dahil pagdating ninyo sa kolehiyo, hindi naman sa hindi ninyo na yan mararanasan, sadyang meron lang haharang gayunpaman, yung haharang na yun ay matitinag din dahil sa pagkakaibigan ninyo.

The best pa rin na may komunikasyon kayo sa isa’t isa, kahit hindi man kayo magkita ng personal, at least, kapag nagkita na kayo sa personal, wagas ang kwentuhan ninyo sa isa’t – isa at napakaganda ng moment na yun. Dahil sa wakas, nagkita na kayo ulit.

Gayunpaman, darating din yung panahon na makukumpleto kami. Darating din yun. Tiwala lang. 

Mahal na mahal ko sila e. Sila ba naman ang nagbigay ng lungkot at saya sa high school life ko e, kahit hindi nila alam ‘to, maraming akong natutunan sa kanila at lagi yun na sa’kin puso. Isang yaman na hindi maaangkin nino man.

Kaya maraming salamat, Management sa lahat! Mahal na mahal ko kayo! Kita kits nalang! =) :* >:D<

Them.

 

Management

Unfair? Not really.

Hindi pa ‘rin maalis sa isip ko yung pangyayari. Para sa’kin, masakit na makitang umiiyak sa harapan mo yung magulang mo. Sino bang anak ang may gusto nun? Wala naman dba? Wala.

Matagal ko na ‘to tinitiis, minsan iniisip ko ano bang wala sa amin ang meron sila at kung tratuhin nalang nila ng ganon. Pero sabi ko, wag ko nalang ipagkumpara, baka sadyang ganon talaga. Hindi pantay pantay.

Pero ang unfair naman talaga e, isang sabi lang naman anak nila may kaya, takbo agad sila pero bakit kami hindi nila magawa?

Isang tawag na may sakit yung mga apo nila, sugod agad pero sa amin hindi? Noong nagkasakit ba kami, pumunta ba sila? Hindi. Kailan sila pupunta kapag magaling na.

Kapag may okasyon yung namin kamag – anak, punta agad, pero sa’min, hindi? Ilan beses lang ba sila pumunta noong birthday ko? Hindi ko rin alam e. Magbibilang sa mga daliri siguro.

At masakit pa dun, magaling lang sila manghingi e, masamang kung masamang apo na pero yan ang nakikita ko e. Maalis mo ba yun sa akin? Hindi e. Matagal na kasi ganito e. Kakampihan nila yun may kaya samantala kami naman talaga yung dehado. Unfair dba?

Dahil simula nung bata pa ako, ganon na e, ganyan na ang nakikita ko sa kanila, kaya hindi rin ako masisi ni mama dahil alam naman niya din na malayo ang loob ko sa magulang nya e. Siya nga e, hindi matrato ng maayos, kami pa kaya ng mga anak nya?

Isa lang naman ang hiling ko e, makita ko sa kanila na pantay- pantay kami. Pantay – pantay kami sa pagmamahal, hindi porket meron silang anak at apo na mas angat samin, e, sila na yung mas mataas. Hindi ba  kaya ibigay yun sa amin?

Ano ba yan, para akong isang batang lansangan na namamalimos sa pagmamahal ng isang lolo at lola? Sila nalang kasi yung lolo at lola ko e, wala na yung mga magulang ni papa at sila ang kinalakihan ko.

Masama bang humingi? Kasi sobra na yung sa kanila e, pwede ba yun sobra, amin naman?

Pero ayaw ko na rin umasa na mangyayari yun, dahil hindi na ‘rin yung mangyayari.