My scary experience.

Ako yung taong matatakutin pero hindi ko lang pinapahalata. Matatakutin talaga ako lalo na kapag nakukwento tungkol sa mga ghosts. Hindi pa ako nakakakita ng mga white lady o kung anung – ano pa, pero naka – experience na ako.

Sa Letran ‘to nangyari. March this year lang nangyari. Finals exam week namin nung nangyari ‘to. Dahil mahaba pa ang time namin para sa next exam namin, naghanap muna kami ng room na bakante. So, nakahanap kami ng room, dun muna kami nag stay for a while. Alam kong 5 kami sa room na yun that time at alam kong rin na hinihintay din namin yung dalawa namin kaibigan. So, habang hinihintay na namin sila, nagkwentuhan muna kami. Alam ko, hindi agad nakakatakot yung pinagkwentuhan namin, nagbibiruan pa kami nung pero hindi ko alam kung sino ang nag open ng topic tungkol sa nakakatakot.

Lahat kami nagkwento tungkol sa mga na experience namin nakakatakot and then, nung magkukwento na yung isa kong kaibigan, sinabi niya sa amin na lumapit kami sa kanya, malaking circle kasi ang pwesto namin at para marinig din daw namin yung sasabihin niya. Pagkasabi niya na lumapit kami sa kanya, biglang gumalaw yung isang upuan dun sa tabi ng isa kong kaibigan ko. As in umusod papunta sa amin! Lahat kami natahimik at sabi ng isa kong kaibigan, wala mag – iingay, lalabasan kami ng tahimik pero hindi yun natupad. Dahil after 1 minute after mag sink in sa utak namin yung nangyari, lahat kami napasigaw at lumabas ng room.

Isa yan sa mga hinding hindi ko makakalimutan experience sa school ko dahil kitang kita mism ng dalawa kong mata at narinig ng dalawa kong tenga yung tunog ng pagusod ng upuan na yon.

At habang nagtatype ako tungkol dito biglang nalang may nagkaluskos dito sa kwarto namin. Sa may lamesa, sa tabi ko pa.

Him.

My younger brother, Ahmir.

 

I miss my younger brother! 😦

He’s not here in our house, he’s currently staying in my aunt’s house at Cainta, Rizal. He will stay there for a week. He requested that to our parents to have a vacation in my aunt and my parents agreed. I miss him. Because now, our house is so quite because he’s not here and his dog pet, miss him too. Also, my mother.

See you on Friday, my brother! 🙂

 

Ang gulo.

Ang gulo ng nanay ko.

Ngayong kasi natutulog na kami ng kapatid ko sa kwarto niya, tutal mas maayos yung kwarto niya kaysa sa akin. Hindi pa kasi tapos ang aming munting tahanan. Tapos kwarto niya at kwarto nina mama ang may pintuan, sa akin nalang ang wala.

Pinapatulog niya kami ulit sa kwarto niya, sa kwarto lang niya kasi may aircon. Sabi ko naman, ayaw ko, kung hindi ilalagay yung kutson dito. Tapos sabi naman ng nanay ko, bakit ayaw mo na dito? siguro may gagawin ka dun ‘no?. Sabi ko naman, hala? ngayong humihiwalay na, may sasabihin kang ganyan, ang gulo mo, ma. At natawa nalang siya. Haha! Ang gulo dba? :)))

New Friends.

 

New Friends. 

Last September 27, naganap ang aming Mobile Exhibit sa Jose Abad High School – Manila. Requirement namin ang exhibit na ‘to sa aming major subject. Kaya,we do our best but I don’t think na best na namin yun. Alam kong meron pa kaming ibubuga kaso hindi lang namin nabigay.

Habang nagpapahinga ako sa labas ng building kung saan naka locate yung aming exhibit, nakipagdaldalan ako sa mga ilan estudyante ng Jose Abad. At isa na sila dun, yung mga kasama ko sa litrato.

Mga 4th year students sila, tinanong ko sila kung bakit sila nakatambay sa exhibit namin imbis magikot sa ibang exhibit. At natawa ako sa sagot nila, gusto nila makita yung classmate kong gwapo at magpapapicture sila. Haha! Nakakatuwa lang at madami pa akong tinanong sa kanila tulad lang nang, kung saan sila mag-aaral at anong kurso ang kukunin nila sa kolehiyo. Tinanong ko sila kung bakit wala silang klase ngayon, sabi nila sa akin, library hours nila. Ang taray dba? Haha! Tinanong ko sila kung bakit nandito sila imbis nandun sila library, ayaw daw nila dun, baka matulog lang sila dun at least daw dito sa exhibit, masaya. Haha!

Nakakatuwa dahil naaalala ko sa kanila nung high school pa ako, nakikita ko ang sarili ko sa kanila. Kaya yung pagod ko na nadanas nung exhibit, kahit papaano nawala nung nakausap ko sila. Masaya silang kausap at masarap biruin. Kaya kapag may pagkakataon na bumalik kami ulit sa Jose Abad, itong mga taong ito ang una kong hahanapin at kakamustahin.

Rubber Match

Today is the day! 

Ngayng araw gaganapin ang rubber match between San Beda and Letran. Syempre, sa Letran ako. Dun ako nagaaral e. Haha! Pero seryoso, kinakabahan ako, hindi para sa school namin, given na yung pero para sa laro, iba kasi ang tense ng laban ngayon. Dahil sisigurudihin ng bawat ng team makuha ang 17th NCAA title.

Iba din ang tense ngayon, dahil nagkaroon ng initan. Between sa Letran at San Beda. Yung mga estudyante at alumnus ng bawat team. Dahil ‘to sa Game 2 ng Beda vs. Letran. At ngayong lang ulit nagkaharap ang Beda at Letran sa finals. Kaya ibang – iba ang laban na ‘to. Dahil matagal na rivalry ng dalawang team na ‘to. Kaya kaabang abang ang laban na ‘to para sa amin.

Sino kaya ang mananalo? San Beda Red Lions o Letran Knights? 

Mali ako.

“Pinabayaan mo kasi e, yan tuloy, lumayo na sayo.” 

Naging kampante kasi ako. Kampante na hindi mawawala yung mga bagay o yung mga taong mahahalaga sa akin, pero mali pala. Nawala sila sa aking nang dahil din sa akin.

Yan tuloy, nagiging malayo na sila sa akin. Hindi na katulad ng dati. Kasi naman e, ako yung gumagawa ng dahilan para mawala sila sa akin.Yung problema? Ako talaga. Hindi kasi ako showy na tao. Yung hindi ak pala-sabi ng nararamdaman ko sa tao. Hindi talaga. Bihira lang pero sa bihira na yun, hindi ko pa nasasabi ang lahat lahat. Ang lahat ng gusto ko sabihin. Ganyan ako at dahil sa ganyan kong ugali, nawawala yung mga taong mahahalaga sa akin.

Ngayon ko lang na realize kung kailan naging malamig na.  Pero kapag nakikita ko silang masaya, masaya na rin ako. Ok lang yun kahit hindi na ako yung dahilan kung bakit sila masaya. 🙂

LSS.

Red. 

Yan ang title ng bagong album ni Taylor Swift. Dahil medyo outdated ako, ngayon ko palang napakinggan ang mga kanta niya sa bagong album niya. At sa lahat ng mga kanta ni Taylor Swift sa bago niya album, ito ang mga tumatak sa akin:

  • Everything Has Changed – ft. Ed Sheeran
  • Red
  • The Last Time
  • Sad Beautiful Tragic

Ang weird ba? Haha! Kahit ako eh, hind joke lang. Wala lang. Iba kasi yung tama sa akin eh, tsaka yang mga kanta na yan ang paulit ulit kong pinapatugtog kaya naman na LSS ( last song syndrome ) na ako. Haha! Basta, iba ang tama eh. 🙂

17.

I turned 17 last October 15.

Meron akong event nung mismong araw ng birthday ko. Event ‘to for the Communication students of Letran. It’s called, “Call Time”. It was held in Klir Water resort park in Bulacan. So, hindi ako masyado nakapagcelebrate with my family. Although,  may kaunting handaan nung 14 kasama yung ibang relatives ko. Pumunta sila dito sa bahay. At masaya naman ako dahil naayos na ang dapat naayos.

Wala naman ako masyadong ikukukwento sa nangyari nung birthday ko, wala lang puro picture dun, picture dito, nanood ng event, kumain at swimming. ( yung mga blockmates ko lang. haha! )

Siguro ito lang yung highlight nung birthday ko, yung nakipagbati siya sa akin. Masaya ako kasi nawala na rin yung bigat sa loob ko pero ika nga sa sinabi ko sa isang post ko dito, hindi ko na maibabalik yung dating samahan natin.

Sadyang may mga bagay na nagbabago ng hindi natin namamalayan. Tulad ng nangyari sa akin, hindi ko namamalayan, unting unti na nagbabago ang pananaw ko sa buhay. Let say na, nagmamatured na ang pag-iisip ko pero hindi pa rin mawawala yung pagiging childish ko. Yan ang tatak ko eh. Haha! Pero mahirap din na mawala ang isang bagay na hindi mo naman alam kung paano nawala. At higit sa lahat, mahirap na ibalik ang dati dahil maulit ulit yun. Sinasabi nga na sa pagkakamali natuto ang tao, natuto na ako sa pagkakamali ko at sana ikaw rin, may natutunan ka rin sa pagkakamali mo.

Well, yan lang naman ang nangyari sa aking kaarawan. Masaya! 🙂