I’m quit.

Una palang, gusto ko na sumuko. Una palang, gusto ko na itigil ‘to. At una palang, gusto ko nang matalo sa laro na ‘to.

Oo, naging malapit tayo. Close friends nga ika nga. Dahil ikaw lang naman ang naging friend ko nung irregular ako sa isang kong subject nung 1st year tayo at same course pa tayo. Nung 2nd sem, mas naging malapit pa tayo. Pinakilala mo ako sa isa mong friend at naging malapit rin kami sa isa’t – isa.

Dumating nitong 2nd year, lagi tayong magkakasama. Ngunit dumating ang isang malupit ng pagsubok sa atin. Hindi lang sa atin dalawa pati na rin sa ating apat na magkakaibigan.

Meron akong nagawang pagkakamali ngunit sa tingin ko, yun ang tama. Hindi kita masisi na kailangan mo lumayo sa akin. Naiintindihan kita. Pero sana naintindihan mo rin kung bakit ko yun ginawa. Dahil karapatan niya malaman yun. May karapatan siya.

Una palang, sabi ko sa inyo, sabihin na ninyo sa kanya para hindi na lumaki ang gulo pero wala eh. Wala na. Gumulo na. Hindi pala, mas gumulo pa yata. Pero alam mo ba, ako ang walang kaalam alam na may nangyayari na palang ganyan between sa inyo. Pero hindi ko kayo masisi kung aya ninyong sabihin sa akin, ginagalang ko yun.

Pero sa mga salitang ito, napagtanto ko na, ayaw ko. Itigil na natin ‘to.

“May mga tao kasing hindi mapapagkatiwalaan.”

Sa tingin mo, sa ginawa mo ba sa isa kong kaibigan hindi rin ba yung pagkakamali? Sinabihan mo siya in her back tapos kapag nakaharap siya, eh, parang wala lang. Siguro, pareho lang tayo may mali.

Kaya nung nakipagbati ka sa akin nung mismong birthday ko, masaya ako. Dahil kahit papaano nawala rin yung bigat sa loob ko, pero hindi ko na maibabalik ang dati natin samahan pagkatapos nang nangyari ‘to. Ayaw ko na, matagal na rin akong nagtitimpi. Sawang sawa na rin ako. Hindi mo lang kasi alam, na bawat salita na binibitawanan mo, nakakasakit na. Nagtiis ako kaya siguro ito na ang time para makalayo muna ako dun ‘no?

Tsaka hindi ko rin alam, baka may ginagawa o may sinasabi ka sa akin behind my back. Kaya mahirap na. Kahit hindi ako yung mismong biktima dito, nasasaktan rin ako dun sa kaibigan ko na pinagsabihan mo ng ganon.

Magkaibigan pa rin tayo, wag kang mag-alala. Pero hindi na katulad ng dati. 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s