Unang araw.

Unang araw ng aking 2nd semester ngayon. Nag-adjust na kaunti dahil nasanay matulog ng madaling-araw nung sembreak. Naging maganda naman ang naging takbo ng unang araw ng klase ko ngayon. Medyo minalas lang nung papunta sa school, late ako sa unang subject ko. Tss. Kainis! Tumakbo na ako mula sa LRT hanggang Letran para makaabot sa bell kaso hindi e. Kaya yun, late ako. Pero ok lang naman. Medyo petiks lang naman kami ngayong araw. Wala masyadong ginawa bukod sa pagbibigay ng mga requirements sa mga subjects namin. Pero ok na rin yun. Haha! Tapos nakita din namin yung iba namin classmate. Yung mga adver. Tapos bukas naman, mga broad naman ang makikita namin. Haha!

Tapos bago kami umuwi, kumain muna kami sa mcdo. Haha! Mcdo sa edsa, ayos na kasi ang Mcdo dun. Kaya yun, kumain muna kami. Madalas naman kami kumakain dun bago umuwi e. Haha! Tapos nung papunta na kami ni Mavelle sa sakayan ng Paliparan, muntikan na kaming iholdap, buti nalang nakita agad ni Mavelle at nakaiwas kami. Pero muntikan na talaga yun e. Puntirya pa naman yung bag ko. E, hindi naman nakaharap sa harap ko yung bag ko na bagpack kaya yun. Pero  first time yun nangyari sa amin e. Huhuhu! Kinabahan kami dun. Kaya ingat ingat din.

Yan lang naman ang pinaka – highlight na nangyari sa araw ko ngayon. Ano kaya mangyayari bukas? 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s