The Truth.

Kanina, habang wala kaming prof sa aming Sociology class, nagkatuwaan kami ng mga kaibigan kong maglaro ng Truth or Dare. Actually, hindi na Truth or Dare ang laro namin e, Truth or Truth nalang. Dahil panay truth ang sinasabi. Wala naglakas ng loob mag-dare. Haha!

Dahil sa laro na ‘to, nalaman nila ang tungkol sa lovelife ko. Hindi nila kasi alam yung tungkol sa lovelife ko dahil masyado akong masikretong tao. Hindi ako naglalabas na saloobin sa tao, sanay akong sinasarili ko lang. Ganyan ako. Meron naman may alam tungkol sa lovelife ko pero syempre, yung pinaka – close ko lang na tao ang nakakalaman ng tungkol dyan. Pero hindi pa nila ang buong kwento. At kahit din dun sa laro namin, hindi ko ikuwento yung buong nangyari. Summary lang ang ginawa ko. So, first time kong ishare dito ang tungkol sa aking buhay pag-ibig.

Summer nangyari ‘to. Childhood friend ko sya. Since kinder up to grade 6, naging classmate ko sya. Dahil sa closeness namin dalawa, naging close din ang mga pamilya namin sa isa’t – isa. Minsan tinutukso kaming dalawa sa isa’t – isa. At hindi kalaunan, nangyari yun sa aming dalawa. Naghulog ang loob namin sa isa’t – isa. Hindi naman kaagad – kaagad, na kami. Syempre, dahil hindi na kami magkaklase nung high school, nandun ang hiyaan. Syempre, matagal – tagal mong hindi nakasama, pero sa amin dalawa, hindi talaga nawawala yung communication namin sa isa’t isa simula nung lumipat ako. I consider him also as my boy best friend. 

So, yun nga. Naging malapit ang loob namin sa isa’t – isa. Minsan kapag may time sya, pumupunta siya dito. Minsan siya lang. At minsan, kasama yung best friend ko. At dun na nagsimula ang matamis namin pagtitingan. Una, nagpaparamdam palang siya. Pero na fifeel ko na may balak sya. Kasi hindi naman pupunta ang isang lalaki sa bahay ng isang babae kung wala siya intensyon dba? Maliban lang na kaibigan lang talaga. Tsaka inaasar rin ako ng best friend ko at pati na rin sya. And then, one day, he confess to me. He confess that he liked me. 

Nandun yung gulat pero naiibabaw yung pagiging flattered dahil for the first time, merong isang lalaki na naglakas ng loob magtapat sa akin kahit may pagka boyish ako. So, yun. Pumayag naman ako. Patuloy pa rin yung pangliligawan niya sa akin. At dumating na sa punto na naging MU kaming dalawa. Wala naman tutol sa amin dalawa. Tsaka ako na rin ang nagsabi sa kanya na, hanggang MU muna. Pero makakaasa sya na darating yung araw na sasagutin ko sya. 

Dahil magkahiwalay kami ng paaralan at parehong busy sa paaralan. Busy sa pag-aaral, busy sya sa sports niya, ako naman, busy sa mga org ko that time. Medyo nawawalan ng time sa isa’t – isa. Hanggang dumating ang araw na, nagpapadaan ako ng sulat o nagtatanong kung kamusta na siya sa pamamagitan ng best friend ko. Dahil sila ang palagi magkasama. Nung una, hindi ako matatakot na mafall siya sa best friend ko, dahil kilala ko naman siya. At nakikita kong sincere siya sa akin. Pero mali pala ako.

Dumating yung araw na, sigurado na ako sa kanya. Nasasagutin ko na siya that time. Pero meron pa palang siya mas malupit na regalo sa akin. Kasi balak ko siya sagutin ng october kasi birthday month ko kasi yun. Pero yun nga, mas malupit talaga ang regalo niya sa akin. Nalaman ko nalang na sila na pala ng best friend ko. Nalaman ko ‘to sa isang kong malapit na kaibigan. Alam yung naramadaman ko that time, halo halo. Ang sakit! Bakit niya ginawa yun sa akin? Pati na rin ng best friend ko? Bakit? Yan talaga ang malaki tanong ko that time. Bakit? 

Nung nalaman ko yun, wala akong ginawa. Pinabayaan ko lang. Dahil alam ko naman meron siya rason para dyan. Pero nandun pa rin yung sa akin. Yung feeling na ginago ka. Yung ang nararamdaman ko. Tsaka tagos din sa puso dahil siya ang first love ko. SIYA! O, dba? Ang saya? Hindi ko muna siya kinausap. Kahit kinukulit niya ako. Wala. For almost 3 months, hindi ako nagparamdam sa kanya. Kapag pupunta siya sa bahay, sinasabi ko sa mga kapatid ko, na sabihin na wala ako. Nasa school ako kamo. And then, dumating yung birthday ng isa kong childhood friend ko na close ko rin. Hindi ko alam na nandun din pala siya. At yung ang una namin pagkikita pagkatapos ng nangyari. Malupit pa dun, nandun din yung ex-bestfriend ko. 

Gusto rin na pala ng mga kaibigan namin na magkaayos kami. Kahit sila, hindi makapaniwala na nagawa niya yun sa akin. Yung nagusap kami. Tinanong ko siya agad kung ano ang dahilan kung bakit niya yun ginawa sa akin? Ang sagot ba naman, “palagi ka kasing busy e. Siya ang nandyan siya palagi. Kung kailan kailangan kita, wala ka. Siya lang. Siya ang dumadamay sa akin.” May pagkakamali nga din ako sa kanya, naging busy din kasi ako. Pero sinabi ko yun sa kanya. Sinabi ko na madami kaming gagawin sa school kaya magiging busy ako. Habang sinasabi niya sa akin, ang nasa isip ko ay, ” bullsh*t! ang sakit talaga. ” Mas masakit pa dyan, yung sinabi nya, nandyan yung bestfriend ko para sa kanya nung mga time na wala ako sa tabi nya. Tagos sa puso yan. Tagos na tagos. Sinabi ko sa kanya, ” maikling time lang ako nawala, pero nung hindi pa tayo kami MU o kung ano man yan, sino ang nasa tabi mo palagi, sino yung laging nagsasabi sayo na hindi tama yung ginagawa mo,sino yung taong nagpapakahirap para sayo? Sino? Dba, Ako? Ako! Nasa tabi mo ako nung time na naging madilim yung buhay mo. Nandun ako. Nandun! Lagi kita inaalayaan at ginagabayan tapos sasabihin mo,nandyan siya para sayo. Isipin mo man lang yung ginawa ko sayo. Sayo ko lang yun ginawa. Sayo lang ako nagalala ng ganon dahil nga sa pesteng nararamdaman ko sayo. Ngayon, magsalita ka naman. Magsalita ka kung meron ba akong pagkukulang? Pareho lang tayo may mali pero mas masakit yung ginawa mo sa akin. Tagos! Tagos na tagos! Sa sobrang tagos, hindi na ako makahinga sa ginawa mo. Mawawala din ‘to sakit. Mawawala talaga. Pero hindi mawawala yung sugat na ginawa mo dito sa puso ko. Ng dahil sayo nagkasugat ako sayo. Sasagutin pa naman sana kita, tapos ito ang igaganti mo. Salamat ha? Maraming salamat. Wag kang magalala, hindi ako gaganti sa ginawa mo. At sana hindi na ‘to makaabot sa pamilya mo. Magimbento ka nalang ng ibang dahilan. Basta, wag lang ‘to. ” Sinabi ko yan sa kanya habang umiiyak ako. Yan ang unang iyak ko simula nung nalaman ko ang tungkol sa kanila. Ang tanging sagot niya lang sa akin ay, “Sorry”. At dali – dali na ako umalis sa harap niya dahil hindi ko na talaga kaya ang sakit. 

Hanggang ngayon, sariwa pa rin yung alala nung huli kami nagusap. At hanggang ngayon, hindi pa rin ako nakakarecover sa ginawa niya. Sana sinabi nalang niya sa akin dba? Para hindi na rin ako umasa sa kanya. Kasi nung huli, ako pa ang humahabol sa kanya e, kaso ano ang nangyari? Ayun, imbis nasalo niya ako, nadapa tuloy ako. At hanggang ngayon, meron pa rin alala yung sugat ko nung nadapa ako ng dahil sa kanya. Nagkaroon ng peklat. Sa aking puso.

Kaya hindi pa rin ako handa pumasok sa isang relasyon. Isa na yan sa mga dahilan. Pero ang pinaka dahilan talaga ay, natatakot na ako.

Hanggang ngayon, wala pa rin pansinan. Kung magkikita, tanging ngiti at hello lang ang isasambit namin sa isa’t – isa. Dahil alam ng mga magulang namin, kaya siya huminto sa panliligaw ay dahil pag-aaral muna ang uunahin namin dalawa.  Pero kung magiging magkaibigan ulit? Ayaw ko muna magsalita ng tapos, tignan nalang natin sa hinaharap. Bahala nalang si batman para dyan. Haha!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s