Unfair? Not really.

Hindi pa ‘rin maalis sa isip ko yung pangyayari. Para sa’kin, masakit na makitang umiiyak sa harapan mo yung magulang mo. Sino bang anak ang may gusto nun? Wala naman dba? Wala.

Matagal ko na ‘to tinitiis, minsan iniisip ko ano bang wala sa amin ang meron sila at kung tratuhin nalang nila ng ganon. Pero sabi ko, wag ko nalang ipagkumpara, baka sadyang ganon talaga. Hindi pantay pantay.

Pero ang unfair naman talaga e, isang sabi lang naman anak nila may kaya, takbo agad sila pero bakit kami hindi nila magawa?

Isang tawag na may sakit yung mga apo nila, sugod agad pero sa amin hindi? Noong nagkasakit ba kami, pumunta ba sila? Hindi. Kailan sila pupunta kapag magaling na.

Kapag may okasyon yung namin kamag – anak, punta agad, pero sa’min, hindi? Ilan beses lang ba sila pumunta noong birthday ko? Hindi ko rin alam e. Magbibilang sa mga daliri siguro.

At masakit pa dun, magaling lang sila manghingi e, masamang kung masamang apo na pero yan ang nakikita ko e. Maalis mo ba yun sa akin? Hindi e. Matagal na kasi ganito e. Kakampihan nila yun may kaya samantala kami naman talaga yung dehado. Unfair dba?

Dahil simula nung bata pa ako, ganon na e, ganyan na ang nakikita ko sa kanila, kaya hindi rin ako masisi ni mama dahil alam naman niya din na malayo ang loob ko sa magulang nya e. Siya nga e, hindi matrato ng maayos, kami pa kaya ng mga anak nya?

Isa lang naman ang hiling ko e, makita ko sa kanila na pantay- pantay kami. Pantay Рpantay kami sa pagmamahal, hindi porket meron silang anak at apo na mas angat samin, e, sila na yung mas mataas. Hindi ba  kaya ibigay yun sa amin?

Ano ba yan, para akong isang batang lansangan na namamalimos sa pagmamahal ng isang lolo at lola? Sila nalang kasi yung lolo at lola ko e, wala na yung mga magulang ni papa at sila ang kinalakihan ko.

Masama bang humingi? Kasi sobra na yung sa kanila e, pwede ba yun sobra, amin naman?

Pero ayaw ko na rin umasa na mangyayari yun, dahil hindi na ‘rin yung mangyayari.

Advertisements