Journ101.

Introduction to Journalism with News Writing.

Ito na talaga. Feel ko na ang course namin. Dati kasi, petiks petiks lang ako, pero ngayon hindi na talaga pwede. Kailangan ko na magseryoso. Lalo na sa subject na ‘to. Para sa akin, hindi madaling magsulat ng isang balita dahil meron kang kailangan sundan ng sitilo ng pagususulat para rito. Salang – sala ang gagawin ng prof. namin dito. Dahil bilang isang journalist, magaling ka talaga magsulat at hindi puchu puchu. Hay. Kinakabahan ako para dito. Hindi nga ko alam kung meron ba akong potential bilang isang manunulat. Meron nga ba? Hay, ewan ko. Haha! Bahala nalang si batman. Basta, I’ll do my best! Para hindi ako matanggal sa course na ‘to. Dahil napamahal na ‘to sa akin. 🙂

Unang araw.

Unang araw ng aking 2nd semester ngayon. Nag-adjust na kaunti dahil nasanay matulog ng madaling-araw nung sembreak. Naging maganda naman ang naging takbo ng unang araw ng klase ko ngayon. Medyo minalas lang nung papunta sa school, late ako sa unang subject ko. Tss. Kainis! Tumakbo na ako mula sa LRT hanggang Letran para makaabot sa bell kaso hindi e. Kaya yun, late ako. Pero ok lang naman. Medyo petiks lang naman kami ngayong araw. Wala masyadong ginawa bukod sa pagbibigay ng mga requirements sa mga subjects namin. Pero ok na rin yun. Haha! Tapos nakita din namin yung iba namin classmate. Yung mga adver. Tapos bukas naman, mga broad naman ang makikita namin. Haha!

Tapos bago kami umuwi, kumain muna kami sa mcdo. Haha! Mcdo sa edsa, ayos na kasi ang Mcdo dun. Kaya yun, kumain muna kami. Madalas naman kami kumakain dun bago umuwi e. Haha! Tapos nung papunta na kami ni Mavelle sa sakayan ng Paliparan, muntikan na kaming iholdap, buti nalang nakita agad ni Mavelle at nakaiwas kami. Pero muntikan na talaga yun e. Puntirya pa naman yung bag ko. E, hindi naman nakaharap sa harap ko yung bag ko na bagpack kaya yun. Pero  first time yun nangyari sa amin e. Huhuhu! Kinabahan kami dun. Kaya ingat ingat din.

Yan lang naman ang pinaka – highlight na nangyari sa araw ko ngayon. Ano kaya mangyayari bukas? 

My scary experience.

Ako yung taong matatakutin pero hindi ko lang pinapahalata. Matatakutin talaga ako lalo na kapag nakukwento tungkol sa mga ghosts. Hindi pa ako nakakakita ng mga white lady o kung anung – ano pa, pero naka – experience na ako.

Sa Letran ‘to nangyari. March this year lang nangyari. Finals exam week namin nung nangyari ‘to. Dahil mahaba pa ang time namin para sa next exam namin, naghanap muna kami ng room na bakante. So, nakahanap kami ng room, dun muna kami nag stay for a while. Alam kong 5 kami sa room na yun that time at alam kong rin na hinihintay din namin yung dalawa namin kaibigan. So, habang hinihintay na namin sila, nagkwentuhan muna kami. Alam ko, hindi agad nakakatakot yung pinagkwentuhan namin, nagbibiruan pa kami nung pero hindi ko alam kung sino ang nag open ng topic tungkol sa nakakatakot.

Lahat kami nagkwento tungkol sa mga na experience namin nakakatakot and then, nung magkukwento na yung isa kong kaibigan, sinabi niya sa amin na lumapit kami sa kanya, malaking circle kasi ang pwesto namin at para marinig din daw namin yung sasabihin niya. Pagkasabi niya na lumapit kami sa kanya, biglang gumalaw yung isang upuan dun sa tabi ng isa kong kaibigan ko. As in umusod papunta sa amin! Lahat kami natahimik at sabi ng isa kong kaibigan, wala mag – iingay, lalabasan kami ng tahimik pero hindi yun natupad. Dahil after 1 minute after mag sink in sa utak namin yung nangyari, lahat kami napasigaw at lumabas ng room.

Isa yan sa mga hinding hindi ko makakalimutan experience sa school ko dahil kitang kita mism ng dalawa kong mata at narinig ng dalawa kong tenga yung tunog ng pagusod ng upuan na yon.

At habang nagtatype ako tungkol dito biglang nalang may nagkaluskos dito sa kwarto namin. Sa may lamesa, sa tabi ko pa.

Rubber Match

Today is the day! 

Ngayng araw gaganapin ang rubber match between San Beda and Letran. Syempre, sa Letran ako. Dun ako nagaaral e. Haha! Pero seryoso, kinakabahan ako, hindi para sa school namin, given na yung pero para sa laro, iba kasi ang tense ng laban ngayon. Dahil sisigurudihin ng bawat ng team makuha ang 17th NCAA title.

Iba din ang tense ngayon, dahil nagkaroon ng initan. Between sa Letran at San Beda. Yung mga estudyante at alumnus ng bawat team. Dahil ‘to sa Game 2 ng Beda vs. Letran. At ngayong lang ulit nagkaharap ang Beda at Letran sa finals. Kaya ibang – iba ang laban na ‘to. Dahil matagal na rivalry ng dalawang team na ‘to. Kaya kaabang abang ang laban na ‘to para sa amin.

Sino kaya ang mananalo? San Beda Red Lions o Letran Knights? 

Second Semester.

Panibagong hamon ang kailangan harapin. 

Pumunta kami ng nanay ko sa aking eskuwelahan kanina para makapagpa – enroll. Ngayong araw kasi nakaschedule ang mga Communication students. Oo, isa akong communication student. Ang aking kurso ay Journalism.

Kanina ko lang din nalaman ang schedule ko for this next sem. Wala akong pasok tuwing friday at saturday pero mukhang magkakaroon yata ako dahil wala pang schedule yung isang kong major subject at sa tingin ko, maaadjust lahat. Dahil fully load kami tuwing tuesday at thursday.

Ngayong semester, magkakaroon na kami ng major namin. Major namin as journalism student. Ito nga “News Writing”. Malaki ang kaba ko ngayon sem, dahil ngayon ko na haharapin ang tunay na hamon bilang journalism student. Malaking hamon talaga ‘to sa akin. Kahit meron akong kaunting background sa school publication dahil naging photojournalist ako nung high school ako, pero hindi pa rin yan sapat para sa akin.

Kailangan kong pagbutihin ito dahil hindi na basta – basta ang semester na ito. Kailangan magseryoso sa laban na ito dahil kung hindi, matatalo ako.

Salamat po! :)

Isang malaking pasasalamat ko talaga sa Diyos dahil nakapasa ako sa major subject ko at pati na rin sa ibang subjects ko. Hiniling ko talaga ‘to sa kanya. Ito ang birthday wish ko kanya at hindi naman ako binigo ni God. Kaya ang laki talaga ng pasalamat ko sa kanya kasi tinupad niya ang hiling ko. Kaya, Bro! Maraming salamat po talaga! 🙂