Yehey!

Yessssssssssssssssssssssss!

Salamat talaga! Ang lakas ko kay Lord.

Pasado ako sa lahat ng subject, ay may isa lang pang-gulo. May aayusin pa ‘ko dun pero pagkatapos nung, ok na. Yehey!

Nung una, kinakabahan talaga ‘ko pero nung nakita ‘ko na lahat. Muntik na ‘ko mapasigaw dito sa bahay, buti napigilan ‘ko. Haha! Worth it talaga.

At isa pang kinakatuwa ko ay, hindi ako aalis sa journalism dahil pasado ako sa dalawang major ko. Yesss. Yehey! Ang bait ng prof ko. Salamat talaga ka Sir Francia. Salamat talaga. Bukas, magpapasalamat ako sa kanya. May exam kasi ako sa school paper namin at siya ang adviser nun.

Grabe, nawala talaga lahat ng kaba ko. Ang ganda ng araw ko at isama na natin bukas. Haha! Maganda talaga. Sana walang makasira. Haha!

Lord, thank you, thank you so much dahil tinupad po ninyo yung hiling ko nung visita iglesia. salamat po talaga. ang saya saya ko po talaga. salamat po talaga. i love you po sagad, Lord! =) 

Goodnight po sa inyong lahat! Sweet dreams! =)

Advertisements

My Journalism Buddies.

Journalism Buddies

Malaki ang pasasalamat ko kay God kasi nagkaroon ako ng chance na makilala ang mga taong ito. Sila lang naman ang aking mga blockmates ngayon sem at sa darating pang semester.  Sila ang nagbigay ng ngiti, lungkot at kung ano pang emosyon sa aking college life. Haha! Since first year, kilala na namin ang isa’t isa pero ngayong sem lang talaga mas naging tight ang samahan namin para sa akin. Kahit may kanyakanyang grupo kami, hindi pa rin nawawala yung closeness namin bilang isang group ng mga journ. Thankful talaga ako dahil sa loob ng dalawang taon, nagkaroon ako ng chance na makilala ko pa sila at maging close kami sa isa’t isa. Kaya i’m looking forward sa next 2 years bilang mag kaklase. Marami ang pwedeng mangyari sa susunod na taon. Kaya abangan nalang natin. Pero hindi pa rin mawawala ang pasasalamat ko sa kanila nang dahil sa kanila naging masaya ang college life ko. Maraming salamat, guys! 🙂

I’m sorry.

December 20.

Ngayong dapat ang christmas party namin mga journ. Dapat last week pa ito pero inurong lang namin dahil may kailangan kami requirment na kailangan gawin para maipakita namin sa prof namin this week. Ok na po ang lahat. Planado na po. Kaso may nangyari hindi maganda.

December 19.

Kahapon, birthday ng matalik kong kaibigan na si Kayne. Niyaya niya kami ni Rachelle sa SM North. Treat niya. Gabi na kami nakarating sa SM. Nagpaalam naman ako sa nanay ko. Sabi ko nga bago ako umalis kahapon, gabi na po ako makakauwi. Birthday po kasi ni kayne. Ililibre niya po daw kami ni rachelle. Pumayag naman si mama. Kaso kagabi, gabi na kami nakauwi. Umalis kami dun almost 9:30 pm. Nagtext na ako kay mama, sabi ko, pauwi na ako. At matatagalan pa kami, kasi nag bus kami ni kayne. Nakitext lang ako kay kayne kasi hindi ko dala yung phone kong isa. Nagreply na si mama, pinagalitan na ako. “bakit gabi na ako umuwi?, bakit magpapaalam kung kailan nandun na?, kung lakad ka bukas, hindi ka na sasama.” Nagmakaawa ako kay mama sa text na isama ako bukas. Kaso, ayaw. Kausapin niya ako paguwi. 12 AM na ako nakauwi. Pagadating ko, pinagalitan na agad ako. Alam ko naman na nagaalala si mama sa akin, syempre, anong oras na, babae pa ako at ganito ba ang tamang oras ng uwi ng isang babae. Naiintidihan ko yun. Pero sana naman pinakinggan niya muna yung paliwanag ko bago niya ako pagsabihan. Minsan kasi masasakit na yung salitang binibitawan e, anong magagawa ko, Anak lang naman ako. Kailangan kong sumunod pero sana naman naiintidihan niya na dumadating din yung ganitong pagkakataon na gabi na ako nakakauwi, syempre, college student na ako.

Sinabi ko, na may hinintay pa kami sa school. May ginawa pa kami at sinabi ko rin na gabi na ako makakauwi. Pero hindi ko naman din kasi akalain na gabi na ako makakauwi. Pinagalitan niya ako at pinakausap sa akin si papa. Sinabi ko kay papa na may ginawa pa kami sa school tapos niyaya kami ni kayne. Kami dalawa lang ni rachelle. Tinanong niya ako tungkol sa lakad ko bukas, sabi ko po, party po yun namin mga journ. Niyaya namin yung prof namin kaso hindi siya pumayag. Tapos sbi niya, pwede ka pala hindi sumama bukas e. Sabi ko naman, naka oo na po kasi ako. dapat po last week pa po ito kaso inurong namin kasi may requirement kaming kailangan tapusin at ipasa this week. At nakakahiya naman din po kung hindi ako sumama tsaka paano ko din po sasabihin sa kanila ngayon, anong oras na po. Pagkatapos kong kausapin si papa, nafifeel ko na gusto niya ako pasamahin, kaya kinausap niya si mama. Kaso nagtalo naman sila. Hanggang sa, nagaway naman sila. Sinabi ni mama na grounded ako. Hindi ako pwede sumama bukas at pati na rin sa paskuhan. Umiyak na ako that time, umiyak ako kasi nagaaway naman sila at dahil pa sa akin, umiiyak ako kasi kasalanan ko naman din, masyadong matigas ang ulo kaya nagagawa kong sumaway kay mama. Umiiyak ako kasi nahihiya ako sa mga kaklase ko. Matagal na ‘to naka plano at dahil sa akin, hindi naman natuloy ang lakad. Nahihiya talaga ako. Hindi ko alam kung papaano ko sila haharapin next year o kausapin kahit through facebook. Nahihiya talaga  ako. Umiiyak din ako kasi, nahihiya din ako kayne, birthday na birthday niya tapos pinagsabihan pa siya ni mama.

Kaya pagkatapos akong pagsabihan na grounded ako, nagtext ako sa kanila, sinabi ko na hindi ako makakasama. Alam kong late na ako nagsasabi kaya humihingi rin ako ng pasensya sa kanila. Nahihiya talaga ako sa kanila. Sobrang sobra.

Guys,

Alam kong galit kayo o kaya naman nagtatampo kayo sa akin. Pero pasensya na talaga. Nadamay pa kayo sa katigasan ng ulo ko. Dahil sa katigasan ng ulo ko, hindi natuloy yung matagal natin plano. Pasensya na talaga. Sobrang nahihiya talaga ako sa inyo. Sorry talaga. Sorry talaga. 😦 Guys, pasensya na talaga. Sorry po. 😦

Happy + Sad = :'(

December 13, 2012

Masaya sa school pagdating sa bahay, naging malungkot.

Ano ba ang nangyari sa mismong araw na yan?

Computer.

15 lang kami sa section namin at tuwing computer, maingay talaga ako. Kahit sa ibang subject, maingay talaga ako. Yung prof. namin dito, kasundo namin. Parang barkada lang, pero nandun yung respeto. Haha! Sabi niya sa amin, may quiz kami. Ako, bilang mabait na estudyante, hindi ako nagreview. Haha! Binigay niya kami ng 10 mins pero sa 10 mins na yun, nag iingay lang talaga ako. Haha! Tapos sabi niya, dadagdagan niya yung items ng quiz namin kapag pinagpatuloy ko pa yung pag iingay ko. Syempre, dahil mahal ko yung mga kaklase ko (weh? di nga?), tumahimik nalang ako. Tapos nung nag ququiz na, panay ang tanong niya sa akin, kung may sinabi ba ako. Puro ngiti ang ganti ko. Tapos nakikipag usapan ako sa ibang kong kaklase kapag nakatalikod ako kay sir, sabi ko, “ang sakit na ng panga ko.” Tapos tumatawa nalang sila. Haha! Totoo naman e, masakit talaga sa panga kapag hindi nagsasalita. Tapos pagkatapos ng quiz, back to normal ulit. Haha!

PE.

Inirapan ako naman ako ni bitchesa.

Speech.

Pinagusapan ang tungkol sa script para sa reader’s theater namin kaso napunta ang aming usapan sa mga prof at nakikitawa sa trip ng ibang namin kaklase. haha!

World Lit.

Wala. Quiz pows. Tapos discuss. Tapos boring. Tapos malamig yung room. Haha!

Paguwi namin,

Hanggang sa pag – uwi namin, maingay pa rin ako. Forever na talaga yun. Haha! Dapat sasakay ako ng van kaso nakita namin si kayne at tinanong kung mag lrt, tapos sabi ni rachelle, oo. Kaya yun, nag lrt na rin ako. Kasi iikot kami. Haha! Lakas trip ‘no? Ganyan ang trip namin kapag nakasabay  namin si kayne. Haha! Pero ang awkward ng atmosphere nung nasa lrt na kami. Basta. Awkward talaga.

Pero ito talaga ang gusto ko i-highlight na nangyari sa akin nang mismong araw na yan.

Kakadating ko lang, 8 na ako nakauwi. Tapos ang tahimik ng bahay yung pala nasa taas na pala sila lahat. Tapos umakyat muna ako para sa gamit ko at mag bless kay mama. Nung pumasok na ako ng kwarto, bakas sa mukha ni mama na kakagaling lang sa iyak. Sabi ko sa sarili ko, ito naman po tayo. Nagtatalo naman sila. Kumain muna ako tapos naghugas at nilock na sa baba tapos pagakyat ko, nagtatalo na sina mama at papa. Alam naman natin, kung ano ang madalas pang-awayan ng mag-asawa. PERA. Nag-aaway naman sila dahil dun. Lagi nalang talaga. Tapos lumalala pa dahil sa kung anong ano issues sa buhay. Naririnig ko nang umiiyak si mama. Tapos sinasabi niya, pagod na siya sa min, wala na daw siya nakukuha na malasakit na galing sa amin. Oo, aminin ko, may pagkukulang din kami pero hindi naman umaabot na wala na kami pagkialam. Tapos lumabas na si mama sa kwarto, kumuha ng bag, at nag empake. Tapos sinasabi niya pa, ayaw ko na. maghihiwalay na kami ng ama ninyo. bahala na kayo sa buhay ninyo. malalaki na kayo. tutal, kayang kaya na ninyo ang mga sarili ninyo e. lagi ninyo nalang ako pinapabayaan dito. lalayas na ako dito sa bahay. Dito na ako bumigay. Unting unti na ako bumibigay nung mismong oras na yan,  may tumutulo nang luha sa mata ko pero pinipigilan ko pa rin. ayokong umiiyak ako. ayoko. pero nung nabasa ko yung message ni papa, na hayaan namin si mama umalis. pabayaan daw. tapos may mababasa ka pa na puro mura. Dito na ako umiiyak. Hindi ko na napigilan. Umiiyak na talaga ako. Hindi ko na kaya. Lagi nalang kasi sa pera e, tapos nadadamay pa yung homesick ni mama kay papa. Syempre, namimiss ni mama si papa kaya minsan nagkakaroon ng selos kapag walang time si papa kay mama.

Nung pababa na si mama, umupo ako sa hagdanan, pinipigilan ko umalis. Umiiyak na ako. Tapos sabi ko, ayoko. hindi ka aalis. pagusapan ninyo yan ni papa, pagdalos dalos kayo. pagusapan ninyo yan ni papa. sige na, mama. please. Habang sinasabi ko yan, umiiyak ako pati na rin yung dalawa kong kapatid. Umalis lang nung nasa kwatro na si mama at nagbihis na ako. Tapos biglang bumaba si mama, buti sinundan ni ahmir, at hindi umalis pero hindi napigilan ni mama, gusto niya talaga umalis. Kasi nasasagutan sila ni papa sa telepono. Buti napiligan ni ahmir si mama. Si mama kasi weakness niya talaga si ahmir. Kapag nakita niya si ahmir umiiyak, wala na hindi na siya tutuloy. Kinausap ko si papa, kahit sa akin ang init ng ulo niya. Naiiyak pa rin ako nung time na yun tapos medyo nawalan na yung kaunti tensyon. Akala ko, ok na. Wala na. Pero hindi pa pala, pumasok na si mama sa kwatro, akala ko matutulog na, pero hindi pala. Tumatawag sa kanya si papa. nasasagutan sila dun, umiiyak na si mama at naiiyak na rin ako at rinig na rinig ko yung usapan nila dahil sa lakas ng boses ni papa. lumabas ako ng kwatro tapos chinat ko si rachelle. Sinabi ko sa kanya yung nangyayari at habang nag chachat kami, umiiyak ako. Hindi ko na talaga kaya e. Kahit anong pilit ko, hindi talaga.  Buti talaga, nahimasmasan ako kahit papaano nung nilabas ko yung sama ng loob sa sarili ko. Nung time na yun, iniisip ko, wala talaga akong kwentang anak, wala kasi akong magawa sa nangyayari. kaya naiinis ako sa sarili ko. naiinis talaga ako. pagkatapos namin mag chat, tumigil na sila. Dahil hindi ko na kaya, tinulog ko nalang talaga at kahit sa pagtulog, naiiyak pa rin ako. Panay ang gising ko nung madaling araw, at sa bawat pag-gising ko, sagutan ang naririnig ko. nagaaway naman sila.

Naiinis talaga ako sa sarili ko kasi wala ako magawa. Hanggang ngayon, naiinis pa rin ako. Kailan kaya mawawala sa problema yang pera na yan? Lagi nalang kasi e. Lagi nalang. Buti nauusap sila nang maayos pero nandun pa rin yung sagutan nila e.

Sobrang lungkot ko pa rin hanggang ngayon dahil sa nangyari na ‘to. Sobra talaga. Kahit nakikipagtawanan ako sa mga kaibigan ko kanina, deep inside nasasaktan at nalulungkot ako. Sobrang sobra. Ayoko ko na maulit. Ayoko ko na talaga.

I need a hug. 😥

Hmp!

Nito martes lang ‘to nangyari. Nakakainis lang po kasi.  Masyadong harsh magsalita yung prof namin sa World Literature. Nag checheck siya kung sino sa amin ang wala pang libro para sa book journal namin. Tapos sabi niya, kumuha ng 1/4 sheet of yellow paper at ilagay dun yung title ng libro. Syempre, ako, nagulat. Kasi meron siyang binigay na deadline for that activity. Tapos nagtanong ako, kung ngayon na ba talaga yung deadline? Sagot ba naman sa akin e (Thought lang ‘to ng sinabi niya. Nakalimutan ko na yung exact words e),  ‘Sabi ko lang, kung sino yung gusto magpasa ngayon at hindi ko sinabi na ngayon ang deadline. Makinig ka muna bago magsalita dyan.’ Sa lahat ng sinabi nya, dito ako naggulat. “Stupidity”. Sige, inaamin kong na may mali ako. Mali ang pagkakaintindi ko, pero sana naman, wag naman masyadong harsh magsalita. Tapos sinabi pa sa klase. Nahiya tuloy ako. May ilan pa namin classmate ang nakatingin sa akin, kasi sa akin nakatingin si sir habang sinasabi niya yan e. 😦

First time ‘to nangyari sa akin. Grabe talaga. Hindi ko na siya gusto maging prof. Sana naman ilugar niya yung pagkakasabi ng ganon. Matatagap ko pa yun. Kaso hindi e. Amp. Naiinis ako. -_-

Her Debut.

Last November 24, naganap ang debut party ni Mars sa Quezon City. Hindi ko kasi alam kung saan sa Quezon City, basta sa Quezon City. Haha! Sayang at hindi nakumpleto ang journ nung birthday niya. May dalawa kasing hindi umaattend ng party. Nandun din yung dalawa namin kaibigan mula sa broadcasting. Dahil lahat kami ay hindi alam ang papunta sa venue ng party nya. Lahat kami nagkita-kita sa Walter Mart sa may Roosevelt LRT station. At sinundo kami ng papa niya.

Sinalubong niya kami at nagulat siya sa akin, ay hindi lang pala siya, pati na rin yung mga classmate namin, dahil minsan lang talaga ako mag-ayos sa sarili ko. Haha! Tuwing okasyon lang. Kaya yan, nagayos ako. Haha! Pagdating namin sa venue, pinagtitinginan kami ng mga tao. Haha! Ang awkward ng moment na yun. Haha! Pero ayos lang naman. Kaso medyo nadismaya ako sa pwesto namin. Nasa banda likod kami kaya hindi namin siya makita. Pero ayos lang naman yun. Pagkain? Ayos na ayos. Busog at first time kong hindi bumalik para kumuha ng pagkain. Sobrang bigat kasi ng mga food pero masarap naman. At nabusog kami dun. 🙂

Habang kumakain kami, isa’t – isang tinatawag yung mga kasama sa 18 wishes. Eh, kasama ako dun. Edi nung tinawag na ako, may pagkain pa sa bibig ko. Haha! Kaya ang tagal ko tuloy mag-wish sa kanya. Tapos hindi rin niya ako pinagamit ng mic. Loko loko yung si Mars e. Haha! Pero nasabi ko naman yung nais kong masabi kahit wala akong gamit na mic.

Pero all in all, masaya po. Nag-enjoy po kami ng sobra. Hindi na nga kami nakikinig sa program, picture lang kami ng picture dun. Haha! Masarap din yung cupcake sa debut niya! The best! 🙂 Kaso kailangan umuwi ng maaga, kasi nung araw na yun, pumunta pa ako sa cainta kaya yun, umuwi na kami ng 9:30. Kung nasa akin lang yung susi, mag stay pa ako dun ng matagal e. Kaso wala e. Pero masaya po talaga. Dahil nagbonding ulit kami ng mga classmates kong journ at kasama na rin yung dalawa namin friends na taga-broadcasting. 🙂

Ito po ang ilan sa mga litrato nung debut niya.

Ralph, Rachelle, Pat, Me, Ronald, & Miguel.

Fierce.

 

Patricia, Me, Ronald, & Jeca.

Alessah, Jeca, & Ronald.

Migs, Rachelle, Me, & Ralph.

Migs, Rachelle, Me, & Ralph.

Rachelle, Jess, Ralph, Alessah, Pat, Me & Migs.

Peace!

Ang sakit ng katawan ko ngayon at masama din ang pakiramdam ko ngayon. Huhu! Dahil ‘to sa PE namin kahapon. Volleyball kasi ang PE namin ngayon. Almost 2 years na, nung huli kong laro sa volleyball. Kaya ito, hindi na sanay ang katawan ko sa laro na ‘to. Pero nandun pa rin yung gusto kong matuto ulit, kahit papaano, namimiss kong maglaro ng volleyball dahil isa ‘to sa mga natutunan kong laro nung high school ako. Kaya nakakamiss din. Haha! Sanayan lang ‘to. Masasanay dahil syempre, PE namin ‘to. Nakakahiya kung ibabagsak ko ‘to no? Haha! Pero masaya ulit maglaro ng volleyball. 🙂