Dapat ngayon araw, magkikita – kita kami ng mga high school friends ko. Syempre, bakasyon. Ito ang perfect time para magkita – kita kami. May plano na kami, matagal na ‘yun. I think, last january lang o last year pa. Sa  EK. Classmate ko ang nag- aya, at kasama yung mga batchmates namin. Bale, Management at Economics. Yan ang section namin nung 4th year kami kaya tuwang – tuwa ako nung nakita ko ang event na ‘to sa facebook, kaya nag – go.  ”Tutal malayo pa naman yun.” sabi ko.

Dapat March 30, kaso nga, Black Saturday at sarado ang EK, kaya ginawang April 1.

Dumating ang March 31, wala na nag uupdate sa event, tsaka nagdadalawang isip din ako kasi may inaalala din ako that time. Dahil walang nagrereact sa event, hindi na natuloy.

Tapos nag padesisyunan, na magkita kita kami “Management”. So, nag set sila ng date at nagtanong kung sino ang pwede sa April 2. Yun. Nagreact ako, sabi ko, “Pwede ako sa April 2 pero magpapaalam pa ‘ko.” So yun. Nag try ako magpaalam kaso wala ako natanggap na reaction mula sa nanay ko. At nung April 1 na, naalala ko pala na may exam ako. At dahil dun, nag dalawang isip ako kung tutuloy pa ba ako, tapos nagtweet sa’kin yung isa kong hs friend ko about sa contact number ko, tapos binigay ko naman tapos nagtext pala siya sa’kin nung linggo at hindi daw ako nagrereact sa post. Nung linggo kasi, pyesta sa Bulihan, e, most of my hs friends dun nakatira kaya yun nayaya silang makipyesta sa kanila.  Para dun daw pag-usapan yung pagkikita – kita namin, kaso onti lang ang pumunta at yung pumunta na yun ay yun din ang pumunta last year. Nagsorry naman ako at sinabi ko na hindi ako makapag commit agad kasi nga may exam ako. Tapos yun, ok lang naman hindi makapunta basta magreact lang dun sa group.

Tsaka gusto din nila makita yung iba kaya sila nag-insist na magkita kita naman daw kami kasi pare-pareho nalang daw ang nakikita nila at sawang sawa na daw sila sa pagmumukha ng isa’t-isa. Haha!  At nagtatampo rin sila kasi sila na ang naginsist na magkita kita kami pero wala pa rin. Hay. Saklap talaga.

Kung pwede lang talaga ako. Hay. Gusto ko na ulit sila makita. Huhu!

Pero totoo naman e, hirap na talaga kami magkita – kita. Hindi swak sa schedule namin e. Kundi may exam, may pasok, at kung anung – ano pa. Hirap na rin kami makumpleto as Management. Laging kulang nalang. Nakakalungkot pero minsan, may kailangan talagang unahin. Lalo na ang pag-aaral. Pero minsan nakakamiss din yung mga taong nakasama mo sa loob na apat na taon, yung mga taong nagbigay na kulay sa high school life mo.

Kaya yung mga incoming 4th year dyan, lubusin ninyo ang panahon na magkakasama kayo dahil pagdating ninyo sa kolehiyo, hindi naman sa hindi ninyo na yan mararanasan, sadyang meron lang haharang gayunpaman, yung haharang na yun ay matitinag din dahil sa pagkakaibigan ninyo.

The best pa rin na may komunikasyon kayo sa isa’t isa, kahit hindi man kayo magkita ng personal, at least, kapag nagkita na kayo sa personal, wagas ang kwentuhan ninyo sa isa’t – isa at napakaganda ng moment na yun. Dahil sa wakas, nagkita na kayo ulit.

Gayunpaman, darating din yung panahon na makukumpleto kami. Darating din yun. Tiwala lang. 

Mahal na mahal ko sila e. Sila ba naman ang nagbigay ng lungkot at saya sa high school life ko e, kahit hindi nila alam ‘to, maraming akong natutunan sa kanila at lagi yun na sa’kin puso. Isang yaman na hindi maaangkin nino man.

Kaya maraming salamat, Management sa lahat! Mahal na mahal ko kayo! Kita kits nalang! =) :* >:D<

Them.

 

Management

Journalism + Broadcasting = Happiness! :))

Them.

Me with Rachelle and Kayne.

Malaki ang pasasalamat ko kay God dahil binigyan Niya ang mga taong ito sa buhay ko. Hindi ko maisip kung ano ang mangyayari sa college life ko kung walang ito dalawa na ‘to. Kung hindi kami nagkakilala? Hindi ko alam. I treasured them so much. Kahit hindi ko man ipakita sa kanila, sana kapag nabasa nila nila ‘to, malaman nila kung gaanon sila kahalaga sa akin. Kaya, sobrang saya ko talaga kasi dumating talaga sila sa buhay ko.

Dear Rachelle and Kayne,

Sobrang saya ko talaga dahil nakilala ko yung mga taong katulad ninyo. Malaki talaga ang pasasalamat ko kay God dahil binigay Niya kayo sa akin bilang mabubuting kaibigan. Sana mas lalong tumibay yung samahan natin bilang magkakaibigan at alam naman ninyo na nandito ako palagi sa likod ninyo. Hindi ako mawawala. Promise! Tsaka gusto ko din ihiling ngayong darating na pasko ay makita ko kayo nakangiti na totoo. Kahit nakikita ko kayo nakangiti, alam kong meron pa rin bahid ng emosyon na pilit nagtatago dyan kaya gusto ko yung walang halong lungkot o kung ano man yan, basta ang gusto ko ay ngumiti kayo ng totoo. Dahil masaya na ako dun. Maraming salamat talaga sa inyo dalawa. Sobrang pasasalamat talaga. 🙂 Friends forever! 🙂 I love you both! 🙂 ❤

My Journalism Buddies.

Journalism Buddies

Malaki ang pasasalamat ko kay God kasi nagkaroon ako ng chance na makilala ang mga taong ito. Sila lang naman ang aking mga blockmates ngayon sem at sa darating pang semester.  Sila ang nagbigay ng ngiti, lungkot at kung ano pang emosyon sa aking college life. Haha! Since first year, kilala na namin ang isa’t isa pero ngayong sem lang talaga mas naging tight ang samahan namin para sa akin. Kahit may kanyakanyang grupo kami, hindi pa rin nawawala yung closeness namin bilang isang group ng mga journ. Thankful talaga ako dahil sa loob ng dalawang taon, nagkaroon ako ng chance na makilala ko pa sila at maging close kami sa isa’t isa. Kaya i’m looking forward sa next 2 years bilang mag kaklase. Marami ang pwedeng mangyari sa susunod na taon. Kaya abangan nalang natin. Pero hindi pa rin mawawala ang pasasalamat ko sa kanila nang dahil sa kanila naging masaya ang college life ko. Maraming salamat, guys! 🙂

I’m sorry.

December 20.

Ngayong dapat ang christmas party namin mga journ. Dapat last week pa ito pero inurong lang namin dahil may kailangan kami requirment na kailangan gawin para maipakita namin sa prof namin this week. Ok na po ang lahat. Planado na po. Kaso may nangyari hindi maganda.

December 19.

Kahapon, birthday ng matalik kong kaibigan na si Kayne. Niyaya niya kami ni Rachelle sa SM North. Treat niya. Gabi na kami nakarating sa SM. Nagpaalam naman ako sa nanay ko. Sabi ko nga bago ako umalis kahapon, gabi na po ako makakauwi. Birthday po kasi ni kayne. Ililibre niya po daw kami ni rachelle. Pumayag naman si mama. Kaso kagabi, gabi na kami nakauwi. Umalis kami dun almost 9:30 pm. Nagtext na ako kay mama, sabi ko, pauwi na ako. At matatagalan pa kami, kasi nag bus kami ni kayne. Nakitext lang ako kay kayne kasi hindi ko dala yung phone kong isa. Nagreply na si mama, pinagalitan na ako. “bakit gabi na ako umuwi?, bakit magpapaalam kung kailan nandun na?, kung lakad ka bukas, hindi ka na sasama.” Nagmakaawa ako kay mama sa text na isama ako bukas. Kaso, ayaw. Kausapin niya ako paguwi. 12 AM na ako nakauwi. Pagadating ko, pinagalitan na agad ako. Alam ko naman na nagaalala si mama sa akin, syempre, anong oras na, babae pa ako at ganito ba ang tamang oras ng uwi ng isang babae. Naiintidihan ko yun. Pero sana naman pinakinggan niya muna yung paliwanag ko bago niya ako pagsabihan. Minsan kasi masasakit na yung salitang binibitawan e, anong magagawa ko, Anak lang naman ako. Kailangan kong sumunod pero sana naman naiintidihan niya na dumadating din yung ganitong pagkakataon na gabi na ako nakakauwi, syempre, college student na ako.

Sinabi ko, na may hinintay pa kami sa school. May ginawa pa kami at sinabi ko rin na gabi na ako makakauwi. Pero hindi ko naman din kasi akalain na gabi na ako makakauwi. Pinagalitan niya ako at pinakausap sa akin si papa. Sinabi ko kay papa na may ginawa pa kami sa school tapos niyaya kami ni kayne. Kami dalawa lang ni rachelle. Tinanong niya ako tungkol sa lakad ko bukas, sabi ko po, party po yun namin mga journ. Niyaya namin yung prof namin kaso hindi siya pumayag. Tapos sbi niya, pwede ka pala hindi sumama bukas e. Sabi ko naman, naka oo na po kasi ako. dapat po last week pa po ito kaso inurong namin kasi may requirement kaming kailangan tapusin at ipasa this week. At nakakahiya naman din po kung hindi ako sumama tsaka paano ko din po sasabihin sa kanila ngayon, anong oras na po. Pagkatapos kong kausapin si papa, nafifeel ko na gusto niya ako pasamahin, kaya kinausap niya si mama. Kaso nagtalo naman sila. Hanggang sa, nagaway naman sila. Sinabi ni mama na grounded ako. Hindi ako pwede sumama bukas at pati na rin sa paskuhan. Umiyak na ako that time, umiyak ako kasi nagaaway naman sila at dahil pa sa akin, umiiyak ako kasi kasalanan ko naman din, masyadong matigas ang ulo kaya nagagawa kong sumaway kay mama. Umiiyak ako kasi nahihiya ako sa mga kaklase ko. Matagal na ‘to naka plano at dahil sa akin, hindi naman natuloy ang lakad. Nahihiya talaga ako. Hindi ko alam kung papaano ko sila haharapin next year o kausapin kahit through facebook. Nahihiya talaga  ako. Umiiyak din ako kasi, nahihiya din ako kayne, birthday na birthday niya tapos pinagsabihan pa siya ni mama.

Kaya pagkatapos akong pagsabihan na grounded ako, nagtext ako sa kanila, sinabi ko na hindi ako makakasama. Alam kong late na ako nagsasabi kaya humihingi rin ako ng pasensya sa kanila. Nahihiya talaga ako sa kanila. Sobrang sobra.

Guys,

Alam kong galit kayo o kaya naman nagtatampo kayo sa akin. Pero pasensya na talaga. Nadamay pa kayo sa katigasan ng ulo ko. Dahil sa katigasan ng ulo ko, hindi natuloy yung matagal natin plano. Pasensya na talaga. Sobrang nahihiya talaga ako sa inyo. Sorry talaga. Sorry talaga. 😦 Guys, pasensya na talaga. Sorry po. 😦

:)

Rachelle.

Siya yung una kong chinat nung hindi ko na talaga kaya. Yung hindi ko na alam yung gagawin ko. Alam ko naman kasi na handa talaga siya makinig at maiintindihan niya yung  sitwasyon ko. Kaya lubos yung pasasamalat ko sa kanya kasi nakinig siya at kinoncomfort niya ako nung thursday. Kaya, maraming  maraming salamat talaga, Rachelle! 🙂  At alam mo naman din na nandito lang din ako sa tabi mo palagi. 🙂 >:D<

Thankful! :”>

jjustut

Yan ang tweet ko nung may nangyayari hindi maganda sa bahay namin.

Tapos ito naman, yung mga sagot ng highschool friends ko. Si Joe Mark at si Agatha. Na touch ako sa sinabi nila. Although, hindi nila alam kung anon yung nangyari. But then, nandyan sila to make me smile. 🙂

untitled.bmp

Her Debut.

Last November 24, naganap ang debut party ni Mars sa Quezon City. Hindi ko kasi alam kung saan sa Quezon City, basta sa Quezon City. Haha! Sayang at hindi nakumpleto ang journ nung birthday niya. May dalawa kasing hindi umaattend ng party. Nandun din yung dalawa namin kaibigan mula sa broadcasting. Dahil lahat kami ay hindi alam ang papunta sa venue ng party nya. Lahat kami nagkita-kita sa Walter Mart sa may Roosevelt LRT station. At sinundo kami ng papa niya.

Sinalubong niya kami at nagulat siya sa akin, ay hindi lang pala siya, pati na rin yung mga classmate namin, dahil minsan lang talaga ako mag-ayos sa sarili ko. Haha! Tuwing okasyon lang. Kaya yan, nagayos ako. Haha! Pagdating namin sa venue, pinagtitinginan kami ng mga tao. Haha! Ang awkward ng moment na yun. Haha! Pero ayos lang naman. Kaso medyo nadismaya ako sa pwesto namin. Nasa banda likod kami kaya hindi namin siya makita. Pero ayos lang naman yun. Pagkain? Ayos na ayos. Busog at first time kong hindi bumalik para kumuha ng pagkain. Sobrang bigat kasi ng mga food pero masarap naman. At nabusog kami dun. 🙂

Habang kumakain kami, isa’t – isang tinatawag yung mga kasama sa 18 wishes. Eh, kasama ako dun. Edi nung tinawag na ako, may pagkain pa sa bibig ko. Haha! Kaya ang tagal ko tuloy mag-wish sa kanya. Tapos hindi rin niya ako pinagamit ng mic. Loko loko yung si Mars e. Haha! Pero nasabi ko naman yung nais kong masabi kahit wala akong gamit na mic.

Pero all in all, masaya po. Nag-enjoy po kami ng sobra. Hindi na nga kami nakikinig sa program, picture lang kami ng picture dun. Haha! Masarap din yung cupcake sa debut niya! The best! 🙂 Kaso kailangan umuwi ng maaga, kasi nung araw na yun, pumunta pa ako sa cainta kaya yun, umuwi na kami ng 9:30. Kung nasa akin lang yung susi, mag stay pa ako dun ng matagal e. Kaso wala e. Pero masaya po talaga. Dahil nagbonding ulit kami ng mga classmates kong journ at kasama na rin yung dalawa namin friends na taga-broadcasting. 🙂

Ito po ang ilan sa mga litrato nung debut niya.

Ralph, Rachelle, Pat, Me, Ronald, & Miguel.

Fierce.

 

Patricia, Me, Ronald, & Jeca.

Alessah, Jeca, & Ronald.

Migs, Rachelle, Me, & Ralph.

Migs, Rachelle, Me, & Ralph.

Rachelle, Jess, Ralph, Alessah, Pat, Me & Migs.

Peace!

It’s good to be back.

Last friday nakapunta ako ulit dito. Sa dati kong school. It’s been awhile. It’s feels good to be back. Masaya bumalik sa isang lugar na naging parte na nang buhay mo. Habang naglalakad ako papunta dito,madaming alaala ang bumabalik sa aking isipan. Tulad nalang ng unang araw kong pagpasok dito, yung una namin pagkikita ng mga classmates ko na naging kaibigan ko, COCC days, University week, Intrams, Field trip, Christmas Chorale, Christmas Party, English week, yung mga bonding namin pagkatapos ng klase, yung sabay sabay kaming uuwi tapos magiingay kami sa kalsada, minsan may pictorial pang nagaganap sa loob ng classroom o kaya naman sa catwalk o kung saan saan man. Habang naaalala ko yung mga pangyayaring yun, hindi ko maiwasan ngumiti.

Almost 2 years na rin ang nakalipas, pero wala pa rin pinagbago ang school na ‘to. Ganon pa rin ang ayos nito simula nung umalis kami dito. Siguro ang pinagbago lang nito ay madami na akong hindi namumukhaan na estudyante at mga guro. Madami din ang nagsi-alisan at dumating. Gayunpaman, masaya pa rin ako dahil nakapunta ako ulit dito. Sana pagbalik ko dito kasama ko na yung mga taong naging parte ng aking high school life. Yung mga high school friends ko, at sabay sabay namin iikutin ang lugar na ito kung saan kami nagkakilala, at sasabihin na “Salamat! Kung hindi dahil dito sa lugar na ‘to, hindi namin makilala ang isa’t – isa. At dahil din sa lugar na ‘to, natuto kami sumabay sa agos ng buhay. Kaya salamat. Maraming salamat.

New Friends.

 

New Friends. 

Last September 27, naganap ang aming Mobile Exhibit sa Jose Abad High School – Manila. Requirement namin ang exhibit na ‘to sa aming major subject. Kaya,we do our best but I don’t think na best na namin yun. Alam kong meron pa kaming ibubuga kaso hindi lang namin nabigay.

Habang nagpapahinga ako sa labas ng building kung saan naka locate yung aming exhibit, nakipagdaldalan ako sa mga ilan estudyante ng Jose Abad. At isa na sila dun, yung mga kasama ko sa litrato.

Mga 4th year students sila, tinanong ko sila kung bakit sila nakatambay sa exhibit namin imbis magikot sa ibang exhibit. At natawa ako sa sagot nila, gusto nila makita yung classmate kong gwapo at magpapapicture sila. Haha! Nakakatuwa lang at madami pa akong tinanong sa kanila tulad lang nang, kung saan sila mag-aaral at anong kurso ang kukunin nila sa kolehiyo. Tinanong ko sila kung bakit wala silang klase ngayon, sabi nila sa akin, library hours nila. Ang taray dba? Haha! Tinanong ko sila kung bakit nandito sila imbis nandun sila library, ayaw daw nila dun, baka matulog lang sila dun at least daw dito sa exhibit, masaya. Haha!

Nakakatuwa dahil naaalala ko sa kanila nung high school pa ako, nakikita ko ang sarili ko sa kanila. Kaya yung pagod ko na nadanas nung exhibit, kahit papaano nawala nung nakausap ko sila. Masaya silang kausap at masarap biruin. Kaya kapag may pagkakataon na bumalik kami ulit sa Jose Abad, itong mga taong ito ang una kong hahanapin at kakamustahin.

Mali ako.

“Pinabayaan mo kasi e, yan tuloy, lumayo na sayo.” 

Naging kampante kasi ako. Kampante na hindi mawawala yung mga bagay o yung mga taong mahahalaga sa akin, pero mali pala. Nawala sila sa aking nang dahil din sa akin.

Yan tuloy, nagiging malayo na sila sa akin. Hindi na katulad ng dati. Kasi naman e, ako yung gumagawa ng dahilan para mawala sila sa akin.Yung problema? Ako talaga. Hindi kasi ako showy na tao. Yung hindi ak pala-sabi ng nararamdaman ko sa tao. Hindi talaga. Bihira lang pero sa bihira na yun, hindi ko pa nasasabi ang lahat lahat. Ang lahat ng gusto ko sabihin. Ganyan ako at dahil sa ganyan kong ugali, nawawala yung mga taong mahahalaga sa akin.

Ngayon ko lang na realize kung kailan naging malamig na.  Pero kapag nakikita ko silang masaya, masaya na rin ako. Ok lang yun kahit hindi na ako yung dahilan kung bakit sila masaya. 🙂