:)

Rachelle.

Siya yung una kong chinat nung hindi ko na talaga kaya. Yung hindi ko na alam yung gagawin ko. Alam ko naman kasi na handa talaga siya makinig at maiintindihan niya yung  sitwasyon ko. Kaya lubos yung pasasamalat ko sa kanya kasi nakinig siya at kinoncomfort niya ako nung thursday. Kaya, maraming  maraming salamat talaga, Rachelle! 🙂  At alam mo naman din na nandito lang din ako sa tabi mo palagi. 🙂 >:D<

Thankful! :”>

jjustut

Yan ang tweet ko nung may nangyayari hindi maganda sa bahay namin.

Tapos ito naman, yung mga sagot ng highschool friends ko. Si Joe Mark at si Agatha. Na touch ako sa sinabi nila. Although, hindi nila alam kung anon yung nangyari. But then, nandyan sila to make me smile. 🙂

untitled.bmp

Happy + Sad = :'(

December 13, 2012

Masaya sa school pagdating sa bahay, naging malungkot.

Ano ba ang nangyari sa mismong araw na yan?

Computer.

15 lang kami sa section namin at tuwing computer, maingay talaga ako. Kahit sa ibang subject, maingay talaga ako. Yung prof. namin dito, kasundo namin. Parang barkada lang, pero nandun yung respeto. Haha! Sabi niya sa amin, may quiz kami. Ako, bilang mabait na estudyante, hindi ako nagreview. Haha! Binigay niya kami ng 10 mins pero sa 10 mins na yun, nag iingay lang talaga ako. Haha! Tapos sabi niya, dadagdagan niya yung items ng quiz namin kapag pinagpatuloy ko pa yung pag iingay ko. Syempre, dahil mahal ko yung mga kaklase ko (weh? di nga?), tumahimik nalang ako. Tapos nung nag ququiz na, panay ang tanong niya sa akin, kung may sinabi ba ako. Puro ngiti ang ganti ko. Tapos nakikipag usapan ako sa ibang kong kaklase kapag nakatalikod ako kay sir, sabi ko, “ang sakit na ng panga ko.” Tapos tumatawa nalang sila. Haha! Totoo naman e, masakit talaga sa panga kapag hindi nagsasalita. Tapos pagkatapos ng quiz, back to normal ulit. Haha!

PE.

Inirapan ako naman ako ni bitchesa.

Speech.

Pinagusapan ang tungkol sa script para sa reader’s theater namin kaso napunta ang aming usapan sa mga prof at nakikitawa sa trip ng ibang namin kaklase. haha!

World Lit.

Wala. Quiz pows. Tapos discuss. Tapos boring. Tapos malamig yung room. Haha!

Paguwi namin,

Hanggang sa pag – uwi namin, maingay pa rin ako. Forever na talaga yun. Haha! Dapat sasakay ako ng van kaso nakita namin si kayne at tinanong kung mag lrt, tapos sabi ni rachelle, oo. Kaya yun, nag lrt na rin ako. Kasi iikot kami. Haha! Lakas trip ‘no? Ganyan ang trip namin kapag nakasabay  namin si kayne. Haha! Pero ang awkward ng atmosphere nung nasa lrt na kami. Basta. Awkward talaga.

Pero ito talaga ang gusto ko i-highlight na nangyari sa akin nang mismong araw na yan.

Kakadating ko lang, 8 na ako nakauwi. Tapos ang tahimik ng bahay yung pala nasa taas na pala sila lahat. Tapos umakyat muna ako para sa gamit ko at mag bless kay mama. Nung pumasok na ako ng kwarto, bakas sa mukha ni mama na kakagaling lang sa iyak. Sabi ko sa sarili ko, ito naman po tayo. Nagtatalo naman sila. Kumain muna ako tapos naghugas at nilock na sa baba tapos pagakyat ko, nagtatalo na sina mama at papa. Alam naman natin, kung ano ang madalas pang-awayan ng mag-asawa. PERA. Nag-aaway naman sila dahil dun. Lagi nalang talaga. Tapos lumalala pa dahil sa kung anong ano issues sa buhay. Naririnig ko nang umiiyak si mama. Tapos sinasabi niya, pagod na siya sa min, wala na daw siya nakukuha na malasakit na galing sa amin. Oo, aminin ko, may pagkukulang din kami pero hindi naman umaabot na wala na kami pagkialam. Tapos lumabas na si mama sa kwarto, kumuha ng bag, at nag empake. Tapos sinasabi niya pa, ayaw ko na. maghihiwalay na kami ng ama ninyo. bahala na kayo sa buhay ninyo. malalaki na kayo. tutal, kayang kaya na ninyo ang mga sarili ninyo e. lagi ninyo nalang ako pinapabayaan dito. lalayas na ako dito sa bahay. Dito na ako bumigay. Unting unti na ako bumibigay nung mismong oras na yan,  may tumutulo nang luha sa mata ko pero pinipigilan ko pa rin. ayokong umiiyak ako. ayoko. pero nung nabasa ko yung message ni papa, na hayaan namin si mama umalis. pabayaan daw. tapos may mababasa ka pa na puro mura. Dito na ako umiiyak. Hindi ko na napigilan. Umiiyak na talaga ako. Hindi ko na kaya. Lagi nalang kasi sa pera e, tapos nadadamay pa yung homesick ni mama kay papa. Syempre, namimiss ni mama si papa kaya minsan nagkakaroon ng selos kapag walang time si papa kay mama.

Nung pababa na si mama, umupo ako sa hagdanan, pinipigilan ko umalis. Umiiyak na ako. Tapos sabi ko, ayoko. hindi ka aalis. pagusapan ninyo yan ni papa, pagdalos dalos kayo. pagusapan ninyo yan ni papa. sige na, mama. please. Habang sinasabi ko yan, umiiyak ako pati na rin yung dalawa kong kapatid. Umalis lang nung nasa kwatro na si mama at nagbihis na ako. Tapos biglang bumaba si mama, buti sinundan ni ahmir, at hindi umalis pero hindi napigilan ni mama, gusto niya talaga umalis. Kasi nasasagutan sila ni papa sa telepono. Buti napiligan ni ahmir si mama. Si mama kasi weakness niya talaga si ahmir. Kapag nakita niya si ahmir umiiyak, wala na hindi na siya tutuloy. Kinausap ko si papa, kahit sa akin ang init ng ulo niya. Naiiyak pa rin ako nung time na yun tapos medyo nawalan na yung kaunti tensyon. Akala ko, ok na. Wala na. Pero hindi pa pala, pumasok na si mama sa kwatro, akala ko matutulog na, pero hindi pala. Tumatawag sa kanya si papa. nasasagutan sila dun, umiiyak na si mama at naiiyak na rin ako at rinig na rinig ko yung usapan nila dahil sa lakas ng boses ni papa. lumabas ako ng kwatro tapos chinat ko si rachelle. Sinabi ko sa kanya yung nangyayari at habang nag chachat kami, umiiyak ako. Hindi ko na talaga kaya e. Kahit anong pilit ko, hindi talaga.  Buti talaga, nahimasmasan ako kahit papaano nung nilabas ko yung sama ng loob sa sarili ko. Nung time na yun, iniisip ko, wala talaga akong kwentang anak, wala kasi akong magawa sa nangyayari. kaya naiinis ako sa sarili ko. naiinis talaga ako. pagkatapos namin mag chat, tumigil na sila. Dahil hindi ko na kaya, tinulog ko nalang talaga at kahit sa pagtulog, naiiyak pa rin ako. Panay ang gising ko nung madaling araw, at sa bawat pag-gising ko, sagutan ang naririnig ko. nagaaway naman sila.

Naiinis talaga ako sa sarili ko kasi wala ako magawa. Hanggang ngayon, naiinis pa rin ako. Kailan kaya mawawala sa problema yang pera na yan? Lagi nalang kasi e. Lagi nalang. Buti nauusap sila nang maayos pero nandun pa rin yung sagutan nila e.

Sobrang lungkot ko pa rin hanggang ngayon dahil sa nangyari na ‘to. Sobra talaga. Kahit nakikipagtawanan ako sa mga kaibigan ko kanina, deep inside nasasaktan at nalulungkot ako. Sobrang sobra. Ayoko ko na maulit. Ayoko ko na talaga.

I need a hug. 😥