Hmp!

Nito martes lang ‘to nangyari. Nakakainis lang po kasi. Β Masyadong harsh magsalita yung prof namin sa World Literature. Nag checheck siya kung sino sa amin ang wala pang libro para sa book journal namin. Tapos sabi niya, kumuha ng 1/4 sheet of yellow paper at ilagay dun yung title ng libro. Syempre, ako, nagulat. Kasi meron siyang binigay na deadline for that activity. Tapos nagtanong ako, kung ngayon na ba talaga yung deadline? Sagot ba naman sa akin e (Thought lang ‘to ng sinabi niya. Nakalimutan ko na yung exact words e), Β ‘Sabi ko lang, kung sino yung gusto magpasa ngayon at hindi ko sinabi na ngayon ang deadline. Makinig ka muna bago magsalita dyan.’ Sa lahat ng sinabi nya, dito ako naggulat. “Stupidity”. Sige, inaamin kong na may mali ako. Mali ang pagkakaintindi ko, pero sana naman, wag naman masyadong harsh magsalita. Tapos sinabi pa sa klase. Nahiya tuloy ako. May ilan pa namin classmate ang nakatingin sa akin, kasi sa akin nakatingin si sir habang sinasabi niya yan e. 😦

First time ‘to nangyari sa akin. Grabe talaga. Hindi ko na siya gusto maging prof. Sana naman ilugar niya yung pagkakasabi ng ganon. Matatagap ko pa yun. Kaso hindi e. Amp. Naiinis ako. -_-

Her Debut.

Last November 24, naganap ang debut party ni Mars sa Quezon City. Hindi ko kasi alam kung saan sa Quezon City, basta sa Quezon City. Haha! Sayang at hindi nakumpleto ang journ nung birthday niya. May dalawa kasing hindi umaattend ng party. Nandun din yung dalawa namin kaibigan mula sa broadcasting. Dahil lahat kami ay hindi alam ang papunta sa venue ng party nya. Lahat kami nagkita-kita sa Walter Mart sa may Roosevelt LRT station. At sinundo kami ng papa niya.

Sinalubong niya kami at nagulat siya sa akin, ay hindi lang pala siya, pati na rin yung mga classmate namin, dahil minsan lang talaga ako mag-ayos sa sarili ko. Haha! Tuwing okasyon lang. Kaya yan, nagayos ako. Haha! Pagdating namin sa venue, pinagtitinginan kami ng mga tao. Haha! Ang awkward ng moment na yun. Haha! Pero ayos lang naman. Kaso medyo nadismaya ako sa pwesto namin. Nasa banda likod kami kaya hindi namin siya makita. Pero ayos lang naman yun. Pagkain? Ayos na ayos. Busog at first time kong hindi bumalik para kumuha ng pagkain. Sobrang bigat kasi ng mga food pero masarap naman. At nabusog kami dun. πŸ™‚

Habang kumakain kami, isa’t – isang tinatawag yung mga kasama sa 18 wishes. Eh, kasama ako dun. Edi nung tinawag na ako, may pagkain pa sa bibig ko. Haha! Kaya ang tagal ko tuloy mag-wish sa kanya. Tapos hindi rin niya ako pinagamit ng mic. Loko loko yung si Mars e. Haha! Pero nasabi ko naman yung nais kong masabi kahit wala akong gamit na mic.

Pero all in all, masaya po. Nag-enjoy po kami ng sobra. Hindi na nga kami nakikinig sa program, picture lang kami ng picture dun. Haha! Masarap din yung cupcake sa debut niya! The best! πŸ™‚ Kaso kailangan umuwi ng maaga, kasi nung araw na yun, pumunta pa ako sa cainta kaya yun, umuwi na kami ng 9:30. Kung nasa akin lang yung susi, mag stay pa ako dun ng matagal e. Kaso wala e. Pero masaya po talaga. Dahil nagbonding ulit kami ng mga classmates kong journ at kasama na rin yung dalawa namin friends na taga-broadcasting. πŸ™‚

Ito po ang ilan sa mga litrato nung debut niya.

Ralph, Rachelle, Pat, Me, Ronald, & Miguel.

Fierce.

 

Patricia, Me, Ronald, & Jeca.

Alessah, Jeca, & Ronald.

Migs, Rachelle, Me, & Ralph.

Migs, Rachelle, Me, & Ralph.

Rachelle, Jess, Ralph, Alessah, Pat, Me & Migs.

Peace!

It’s good to be back.

Last friday nakapunta ako ulit dito. Sa dati kong school. It’s been awhile. It’s feels good to be back. Masaya bumalik sa isang lugar na naging parte na nang buhay mo. Habang naglalakad ako papunta dito,madaming alaala ang bumabalik sa aking isipan. Tulad nalang ng unang araw kong pagpasok dito, yung una namin pagkikita ng mga classmates ko na naging kaibigan ko, COCC days, University week, Intrams, Field trip, Christmas Chorale, Christmas Party, English week, yung mga bonding namin pagkatapos ng klase, yung sabay sabay kaming uuwi tapos magiingay kami sa kalsada, minsan may pictorial pang nagaganap sa loob ng classroom o kaya naman sa catwalk o kung saan saan man. Habang naaalala ko yung mga pangyayaring yun, hindi ko maiwasan ngumiti.

Almost 2 years na rin ang nakalipas, pero wala pa rin pinagbago ang school na ‘to. Ganon pa rin ang ayos nito simula nung umalis kami dito. Siguro ang pinagbago lang nito ay madami na akong hindi namumukhaan na estudyante at mga guro. Madami din ang nagsi-alisan at dumating. Gayunpaman, masaya pa rin ako dahil nakapunta ako ulit dito. Sana pagbalik ko dito kasama ko na yung mga taong naging parte ng aking high school life. Yung mga high school friends ko, at sabay sabay namin iikutin ang lugar na ito kung saan kami nagkakilala, at sasabihin na “Salamat! Kung hindi dahil dito sa lugar na ‘to, hindi namin makilala ang isa’t – isa. At dahil din sa lugar na ‘to, natuto kami sumabay sa agos ng buhay. Kaya salamat. Maraming salamat.

I’m not feeling well.

Ugh. Kanina, pagkagising ko, ang sakit na ng katawan ko. Huhu! Dahil sa pagod at dahil din sa PE namin kahapon. Gaya nga ng nasabi ko sa last post ko, hindi na sanay ang katawan ko sa laro. Kaya ito, nagkaroon ng mga pasa ang braso ko at hindi ko din masyado ginagalaw yung mga braso ko. Dahil masakit. Huhu! Tsaka nahihilo rin ako. Hayy! Sana mamaya mawala na ‘to o kaya bukas ng umaga dahil meron akong debut pupuntahan. Sabi nga ng nanay ko, wag nalang ako pumunta. Kaso, naka-oo na ako sa kanya. Maya mag tampo yun, syempre, kahit papaano nakakahiya at kaibigan ko din yung tao kahit napagsasabihan niya ako ng mga masasakit na salita. Haha! Nevermind that thought of mine. Hayy, sana maayos na talaga ‘to mamaya. Gagawa muna ako ng assignments habang hindi pa kami aalis. Haha!

Ang sakit ng katawan ko ngayon at masama din ang pakiramdam ko ngayon. Huhu! Dahil ‘to sa PE namin kahapon. Volleyball kasi ang PE namin ngayon. Almost 2 years na, nung huli kong laro sa volleyball. Kaya ito, hindi na sanay ang katawan ko sa laro na ‘to. Pero nandun pa rin yung gusto kong matuto ulit, kahit papaano, namimiss kong maglaro ng volleyball dahil isa ‘to sa mga natutunan kong laro nung high school ako. Kaya nakakamiss din. Haha! Sanayan lang ‘to. Masasanay dahil syempre, PE namin ‘to. Nakakahiya kung ibabagsak ko ‘to no? Haha! Pero masaya ulit maglaro ng volleyball. πŸ™‚

Forever tamad.

Magandang Umaga sa inyong lahat! πŸ™‚

Nandito na ako ngayong sa school. Meron akong 7 AM class. At meron kaming recitation dun. Pero imbes na mag-aral ako. Ito, nagiinternet. Haha! Sipag ko talaga ‘no? Haha! Tinatamad pa kasi ako.

Haha! Forever tamad! Magandang umaga! πŸ™‚

Curious.

Hindi po ako fan ng Twilight series. Isa po akong Harry Potter fan.Β 

Pero ang post na ‘to ay tungkol sa part 2 ng breaking dawn. Maraming nagsasabi na maganda talaga ang part 2 ng breaking dawn dahil sa kakaibang twist na nangyari sa movie. Na-try ko naman basahin ang twilight book series kaso hindi ko talaga tinagalan ang pagbabasa nito. Pero napanood ko naman yun past movies. Itong part 1 & 2 ng breaking dawn ang hindi ko napapanood.

Dahil madami talaga ang nagagandahan sa part 2, susubukan kong panoorin ang movie. Gusto ko lang naman malaman kung ano yung twist na yun, curious lang talaga ako. Pero hindi pa rin magbabago ang desisyon ko, na hindi ko talaga gusto ang twilight series (sorry for the fans).

Sabi nila parang wala ako problema, dahil panay ngiti at tawa ang nakikita nila sa akin. Pero dyan sila nagkakamali, dahil sa bawat ngiti o tawang nakikita mo sa akin ay katumbas ng isang pagsubok o problema na hindi ko kaya ilabas.

Haha! Ano daw? Ang drama ko naman. Haha! Kbye! :))))

My point.

Kaya pala hindi mo sinasabi sa akin kasi, wala akong sense kausap. – Rachelle.

Hindi ito ang point ko para hindi ko sabihin sa’yo yung tungkol sa lovelife ko o kung ano man tungkol sa personal kong buhay. Promise! Maniwala ka, hindi talaga yan ang point ko. Nasanay ako na tinatago ko ag lahat ng problema ko, nasanay ako na hindi na sumagot sa mga salitang binibitaw nila kahit masasakit na. Ganon ako e. Nasanay ako na walang taong nakikinig sa akin. Tsaka nasanay na yung mga kaibigan ko na “happy go lucky” ako. Yung taong walang ginawa kundi tumawa at mang trip ng tao. Ganon ang tingin nila sa akin. Parang ang panget naman na bigla nalang ako, iiyak o kaya magoopen ng seryosong bagay na parang hindi naman akma sa pagkatao ko. Yung tungkol sa love life ko, iilan lang yung mga taong may alam tungkol dun. Dahil nga, hindi talaga ako ma-open na tao. Hindi talaga. Masikretong tao. Napapansin mo naman dba? Kaya sana maniwala ka na hindi ito dahilan, ‘Kaya pala hindi mo sinasabi sa akin kasi, wala akong sense kausap.’ para hindi ko sabihin sa’yo ang ilan na bagay na personal sa akin. Kaya sana maniwala ka. πŸ™‚